-- ADVERTISEMENT --

Pinaaresto ng kanyang sariling ina ang kanyang anak matapos umano itong sakalin gamit ang extension wire noong nakaraang araw sa bayan ng General Santos.

Ayon sa ina ng suspek, nagkasagutan umano sila ng kanyang 31 anyos na anak na kinilalang si alyas Joan.

Sa kabilang banda, isinalaysay ng suspek na si alyas Joan na hindi na niya umano napigilan pa ang kanyang sarili dahil sa mga masasakit na salita na kanyang natanggap mula sa kanyang ina.

Palagi rin umano silang nagtatalo lalo pa’t wala umanong pera ang kanyang ina, naghahanap umano ito palagi ng away.

Sa ngayon, nakakustodiya na ang suspek at pursigido ang ina ng suspek na sampahan ito ng kaso.

-- ADVERTISEMENT --