-- ADVERTISEMENT --

DAVAO CITY   –   Alas 4:45 kahapon ng hapon nang isagawa ang closing ceremony ng pang-63 Private Schools Athletic Association (PRISAA) National Games sa UM Gym. 

Simple lamang ang programa at wala nang isinagawang parade ng mga delegates at wala ring inimbetahang mga special guest. 

Ang dumalo lamang nito ay ang mga Regional Presidents ng PRISAA, gayon din ang iilang mga athletes at coach. 

Lumabas na overall champion ang Region VI Western Visayas na may 212 na mga gold, pangalawa ang Region 7 Central Visayas na may 139 ka Gold, at napanatili sa pangatlong pwesto ang Region 11 na may 70 na mga gold, pang-apat ang Region 12 SOCSARGEN na may 44 na mga gold at panglima ang Cordillera Administrative Region na may 39 na mga Gold. 

Isasagawa ang sunod na PRISAA Games sa Tuguegarao City Region 2 Cagayan Valley sa 2020.   

-- ADVERTISEMENT --