-- ADVERTISEMENT --

DAVAO CITY – Nasa kamay na ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) eleven ang dalawang consultants ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP) na nahuli sa check point ng Task Force Davao (TFD).

Nakilala ang mga nahuli na sina Ariel Arbitraryo at Roderic Mamuyac na kaagad namang kinuha ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Kinumpirma mismo ni Lt. Col. Irwin Bernard Neri, Task Force (TF) Davao Commander na nadakip nila ang dalawang mga NDF Consultant sa Sirawa Toril Checkpoint kaninang mga alas 9:00 ng umaga.

Ayon kay Col. Neri na ang mensahe na kanilang natanggap ay patungkol sa mga tao na may kinakaharap na mga kaso at pinaghahanap sa batas.

Di umano alam ng Task Force na mga NDF Consultants ang kanilang mahuhuli.

-- ADVERTISEMENT --

Napag-alaman na naka-hightened alert ngayon ang TFDavao dahil sa mga pagtitipon ng mga ASEAN representatives.

Ito ang dahilan na kaagad na nagsagawa ng aksyon ang tropa ng pamahala-an upang mapigilan ang mga wanted persons na dada-an sa kanilang mga checkpoints.

Papunta sana sa Davao del Sur ang dalawang nahuli na mga NDF consultants.