-- ADVERTISEMENT --

Davao City – Nawalan ng preno at hindi na nakontrola pa ng driver ng forward truck dahilan ng pagkabangga nito sa poste ng kuryente at pagkamatay ng 4 na biktima sa may Diversion Road, Matina Pangi nitong Lungsod ng Davao pasado alas-12 ng tanghali.

Kinilala ni Talomo PNP chief Police Major Ronald Lao ang mga namatay na sina alyas Tata-driver ng truck, at ang mga sakay nito na sina Meljay Quellosa na taga Brgy. Waan nitong lungsod, Rolly Ambas Balagisi, 26 anyos at Justin Libayaw, 19 anyos na parehong nakatira sa Paquibato District, Davao City.

Ayon kay Major Lao, mula sa Norte ang nasabing truck na puno ng steel bars at nang paliko na ito sa naturang lugar nag-overshoot ang truck dahilan ng bumangga ito sa poste ng kuryente.

Dahil sa malakas na impact ay tumilapon ang tatlong biktima samantalang naipit sa loob ng truck ang isa at pira-piraso ang ibang bahagi ng mga katawan nito.

Nabuwal at naputol pa ang poste ng kuryente dahil sa lakas ng pagkabangga nito.

-- ADVERTISEMENT --

Samantalang nasa lokal na punerarya na ang mga bangkay ng mga  biktima.