-- ADVERTISEMENT --

DAVAO CITY – Akala ng Filipina na si Marites Panelo Cartujano-Martinez, 36 na nakapag-asawa at naninirahan na sa Mexico City na manganganak na siya sa kalsada matapus tumama ang 8.2 na magnitude na lindol kahapon.

Ayon sa kanya sobrang nerbyos ang kanyang naramdaman at napilitang lumabas ng kanilang bahay sa takot na gumoho ito.

Sa pagtakbo palabas dala niya ang isang taon at siyam na buwan niyang panganay na anak na lalaki na si Matthew na magbi-birthday sa December 27.

Ngayong Septembre 27 posibleng manganganak siya sa kanilang pangalawang supling na papangalanan umano nilang Xavrina.

Bank Analyst sa Banko de Mexico ang kanyang mister na si Xavier Martinez Rodriguez, 42.

-- ADVERTISEMENT --

Ayon pa kay Marites first time niyang makaranas nang ganon ka lakas na lindol mula nang dumating sa Mexico noong 2014 at first time din niyang mainterview sa radyo.

Ang mga magulang ni Marites ay nasa Roxas City, Capiz.

Wala pa namang nakompirmang Pinoy na nasawi o kaya’y nasaktan sa nasabing lindol na kumitil na ng halos 60 buhay.