-- ADVERTISEMENT --

Davao City – Wala pang tugon si Pangulong Rodrigo Duterte sa naging mensahe ni Opposition Senator Leila M. de Lima sa kanyang 74th birthday ngayong araw.

Maalala na iisa lamang ang wish si Delima sa kaarawan ng Pangulo yun ay ang “enlightenment” o maliwanagan ang pangulo sa kasong isinampa sa kanya maykaugnayan sa iligal na druga.

Malinawagan rin umano ang Pangulo sa kampanya nito sa  war on drugs na naging madugo.

“Enlightenment. True and profound enlightenment. Happy birthday po,” ani Delima.

Maalala na gusto lamang magpahinga ang Pangulo ngayong araw ng kanyang kapanganakan, at hindi muna mag-iisip sa kanyang trabaho.

-- ADVERTISEMENT --

Makikita naman sa mga post na pictures ni dating Davao City Vice Mayor Paolo ‘Pulong” Duterte na nagsama-sama silang magkakapatid, mga apo at ang kanilang ina na si Elizabeth Zimmerman at ang Pangulo sa kanilang bahay.