-- ADVERTISEMENT --
Kalaboso ang isang 30-anyos na lalaki matapos mahulihan ng hinihinalang iligal na droga o shabu sa isinagawang checkpoint operation ng mga awtoridad.
Batay sa ulat mula sa mga otoridad, kinilala ang suspek sa alyas na “Alnor,” residente ng Tacurong, Sultan Kudarat.
Nakumpiska mula sa kanya ang 19 na pakete ng umano’y shabu na may kabuuang bigat na 119 gramo at tinatayang street value na humigit-kumulang P900,000.
Napag-alamang sakay ng isang van ang suspek nang dumaan ito sa checkpoint sa Sirawan, Toril District, sa lungsod ng Davao.
Sa kasalukuyan, ang suspek ay nasa kustodiya ng Toril Police Station at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
-- ADVERTISEMENT --