DAVAO CITY – Pinayohan ng pamahala-ang lungsod ng Davao ang mga kababaehan na bigyang pansin ang kalusugan nila upang maiwasan ang breast cancer.
Una nang lumabas sa record ng City Health Office na mula Augusto hanggang Hunyo ngayong taon umabot na sa 140 ang mga kaso sa breast cancer ang Davao at 52 sa mga biktima ay patay na.
Ayon kay City Health Office (CHO) head Dr. Josephine Villafuerte dapat ugaliin ng mga taga-Davao ang pagpa-check-up sa kani-kanilang suso lalong-lalo na ang may mga anak.
Dagdag pa kay Villafuerte kung may makapa na bukol ang isang babae sa kanyang suso dapat na kaagad itong ipa-konsuta sa mga health centers ug sa mga doctor.
Tiniyak ng CHO head na kung magpositibo sa kanser ang isang babae kaagad itong i-refer sa department of health para sa isasagawang gamotan.
Ngayong taon mas pinalakas ang breast cancer awareness month sa pamamagitan ng paglagay ng pink ribbon sa entrada ng City Hall.