-- ADVERTISEMENT --

DAVAO CITY – Target ngayon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na bumili ng 200 body cameras at 120 drug sniffing dogs na gagamitin sa kanilang anti-illegal drug operations.

Sa isang presscon, sinabi ni PDEA Director General Aaron Aquino na ngayong Marso ay posibleng mabili ang nasa 450 “body cams” na gagamitin ng tanggapan para ma-monitor ang galaw na makukuha ng mga agents sa mga operasyon.

Layunin din aniya nito na maipakita sa publiko ang transparency ng tanggapan pagdating sa pagtutugis sa mga drug suspects.

May kasalukuyang standing guidelines na ipinapatupad ang PDEA para sa mga operasyon nito na nagu-utos sa mga agents, witnesses at media men na magsuot ng mga body cam.

Samantala, naglaan naman ng tig-P500,000 na budget para naman sa pagbili ng sniffing dogs

-- ADVERTISEMENT --

Sa kasalukuyan ay may tatlong kompanya na umano ang sumailalim sa bidding.

Dagdag pa ni Aquino na kabilang rin sa plano ng ahensiya ang pagbili ng mga protective equipment gaya ng shields, sasakyan at intelligence equipment.

Batay sa ulat, nasa higit 29,000 na barangay sa buong bansa ang apektado ng iligal na droga mula sa 42,000 na lugar.

Habang higit 5,000 na mga barangay ang idineklarang cleared at higit 24,000 ang patuloy pang binabantayan.