-- ADVERTISEMENT --

DAVAO CITY – Nasa maayos na ang kalagayan ng isang Agila matapos itong maligtas ng mga katutubo at empleyado ng isang electric company sa tabi ng Sibulan River, Sta. Cruz Davao del Sur.

Patuloy ngayon na ino-obserbahan ng Philippine Eagle Foundation (PEF) ang kalagayan ng nasabing Agila na sinasabing na-dehydrate.

Napag-alaman na nakita ng magsasaka na si Henry Andi isang Bagobo-Tagabawa ang nasabing agila na inatake ng iba pang mga ibon dahilan na humingi ito ng tulong.

Sinasabing mahina ang kaliwang pakpak ng agila na siyang dahilang ng pagbagsak nito.

Sa kasalukuyan, dahan-dahan na umanong bumalik ang timbang ng nasabing Agila.

-- ADVERTISEMENT --

Napag-alaman sa PEF na ikalawang Agila na ang naligtas sa nasabing lugar kung saan una nito ay ang agila na si Mabikkerr na isang Pinker’s Hawk-eagle na naligtas noong 2015.

Inihayag rin ng Philippine Eagle Foundation (PEF) na ang naligtas na mga Agila ay kabilang sa mga endagered species o malapit ng mawala dahilan na pinayuhan nito ang publiko na huwag hulihin ang nasabing mga ibon dahil maaaring masampahan ng kaso ang gagawa nito.