-- ADVERTISEMENT --

Ipipilit umano ng administrasyong Marcos na italaga si Department of Justice Secretary Boying Remulla bilang Ombudsman upang maipakulong si Vice President Sara Duterte at ang mga kaalyado nito. 

Ito ang iginiit ni Presidential Sister Imee Marcos na kilalang kaalyado ng pamilya Duterte. 

Ayon kay Marcos, malinaw ang hakbang laban kay Duterte dahil sa sunod-sunod na plano umano upang alisin ito sa landas ng 2028 presidential race.

Dagdag pa ng senadora, dalawang kaso pa ang nakabinbin laban kay Remulla sa kasalukuyan sa Ombudsman, administrative at criminal cases, ngunit tila pinipilit umanong maibasura ang mga ito upang bigyang daan ang kanyang appointment.

Malinaw umano ang mga galaw para mapabilis ang proseso, kabilang ang biglaang pagpapalit kay Deputy OIC Ombudsman Ma. Flor Punzalan-Castillo na aniya’y kilalang “walang bahid” at independent-minded.

-- ADVERTISEMENT --

Dahil dito sinabi ni Marcos na tututulan nya ang planong pagtatalaga kay Remulla sa Ombudsman kung saan  maghahain siya ng oppostion sa judical and bar council. 

Hind dapat aniya politiko ang maitalaga sa Ombudsman dahil may conflict of interest bukod pa sa mayroon itong dalawang nakabinbing kaso.