Kinumpirma ng Department of Justice (DOJ) ang pagkakadiskubre ng isang sako na naglalaman umano ng mga buto ng tao.
Ang nasabing sako ay nakita sa kasagsagan ng pagsisimula ng paghahanap ng mga otoridad sa bangkay ng mga nawawalang sabungero sa Taal lake.
Ayon sa DOJ na isang mahalagang paninimula sa patuloy na imbestigasyon sa nawawalang sabungero.
Paglilinaw ng DOJ na technical site assessment lamang sana ang gagawin ng Philippine Coast Guard (PCG) ng makita nila ang nasabing sako.
Sasailalim ang nasabing mga buto sa pagsusuri para malaman kung ito ay pag-aari ng mga nawawalang sabungero.
Magugunitang ibinunyag ni Julie Patidongan isa sa mga akusado at potensyal na whistleblower sa kaso na mayroong mahigit 100 na mga biktima ang pinatay at itinapon sa Taal Lake dahil sa alegasyon ng dayaan sa sabong.
Inakusahan din nito ang negosyanteng si Atong Ang at nobya nitong si Gretchen Barretto na nasa likod ng pagpatay.