DAVAO CITY – Gumikan sa gisindihan nga tray sa itlog nga gihimong pang-abog sa lamok, nasunog at natupok ang aabot sa tinatayang mahigit kumulang isang daang kabahayan kaninang madaling araw sa Mini Forest, Brgy. 23-C, Poblacion District nitong lungsod ng Davao.
Dahil sa laki ng sunog, aabot sa limang mga purok ang apektado na kinabibilangan ng Prk 2-C, Prk 4-B, Prk 4-E, Prk 4-F at Prk 4-G.
Tinatayang aabot din sa limang daang mga pamilya ang apektado habang nasa 700,000 pesos naman ang inisyal na natalang damyos.
Ayon sa kapitan ng nasabing barangay na si Allamuden Usman, napabayaang sinindihang tray ng itlog na ginawang pangtaboy ng lamok ang sinasabing rason ng pagsiklab ng apoy.
Maliban dito, isang lalaki din ang natalang patay sa nangyaring sunog. Kinilala itong si Arhaman Dematonde, 19 anyos, Criminology student.
Salaysay ng mga kapitbahay at pamilya, na trap umano ang biktima nang kanyang balikan ang kanyang kapatid upang maisalba.
Ngunit hindi na nito naisalba pa ang kanyang buhay matapos na nasagi nito ang isang live wire.
Alas 7:08 ng umaga na nang nadeklarang fire out ang nasabing sunog.
Sa kasalukuyan, nagpapatuloy parin ang verification at tallying sa mga pamilyang apektado ng insidente.