-- ADVERTISEMENT --

DAVAO CITY – Nagpapatuloy ang isinagawang manhunt operation ng otoridad matapos ang pag ataki sa provincial jail ng Davao Oriental kahapon, ng armadong grupo na pinaniniwang myembro ng kultong Pinatikan na ikinasawi ng isang myembro nito.

Base report ng mga investigating officer na sila Police Corporal Sunder Orjaliza at Police Corporal Franciz Regidor, pwersahang pinasok ng mga hindi kilalang armado ang naturang kulongan at itinakas ang pitong inmate kabilang na ang lider ng kulto na si Father Galon. Napag alamang nabilanggo si Galon sa kasong illegal possession of firearms (RA 10591) at illegal drugs (RA 9165).

Nakipag palitan ng bala ang mga suspek sa mga duty personnel at duty jail guard kung saan napatay ng otoridad ang isang myembro ng nasabing grupo, habang nakatakas naman ang iba pa. Dahil sa naturang insidente, mas hinigpitan na ang seguridad sa provincial jail habang nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng otoridad.