-- ADVERTISEMENT --

DAVAO CITY – Nakatakdang lagdaan ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Dabaw ang isang sisterhood agreement sa pagitan ng Marawi City.

Sagot umano ito sa panawagan ng national government na tulungan ang naturang lokalidad na grabeng naapektuhan sa gyera noong nakaraang taon.

Inihayag ng Davao City Investment Promotion Center na magbibigay ng tulong ang lungsod sa pamamagitan ng infrastructure development, urban planning, disaster management, at iba pang expertise bilang suporta sa rehabilitation.

Matatandaan na na-una nang nagbigay ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Dabaw ng limang milyon pesong financial aid sa Marawi city noong nakaraang tao.

Samantala, batay sa inilabas na statement ng City information office, plano din umano ni mayor Inday Sara na maglaan ng sampong milyong piso ngayong taon sa Marawi.

-- ADVERTISEMENT --