DAVAO CITY – Pinuri ni Office of the Presidential Adviser on the Peace Process (OPAPP) Secretary Jess Dureza ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) eleven sa pagkahuli sa kanyang pamangki sa isinagawang drug operation ng PDEA.
Una nang nakilala ang nahuli na isang John Paul Dureza, residente ng Catalunan Pequiño.
Nakuha sa kayang posisyon ang aabot sa labing limang gramo ng pinaghinala-ang shabu na aabot sa P200 libong peso ang market value.
Nakunan din ito ng .22 caliber pistol na may 177 na mga bala.
Ayon kay Secretary Dureza na maaga siyang natulog kagabi dahil naka-sick leave siya, ngunit nagising na lamang siya at pinagsabihan patungkol sa pagkahuli sa kanyang pamangkin na isang John Paul Dureza, na taga Catalunan Pequiño, anak ng isang Jerry Dureza na nakababatang kapatid ng OPAPP Secretary na nahuli ng PDEA.
Inamin ni Secretary Dureza na nahihiya siya dahil sa kamag-anak niya ang nahuli, ngunit pinuri naman ang PDEA dahil sa walang pinili sa inilunsad na drug operation.
Ito umano ang dapat na pamamaraan sa no-nonsense drive ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang drug operation na pinangunahan sa ngayon ng PDEA.
Una nang kinumpirma ni PDEA eleven Director Aldzar Albani na isa sa mga supplier si John Paul Dureza sa lungsod ng Davao.